Patakaran sa sahod

Holiday Pay sa Disyembre 2026: Rate sa Pasko, Rizal Day at Bagong Taon

Ng Easy Cutoff team · Na-update Nobyembre 23, 2026 · 5 minutong basa · Paano namin sinusuri ang mga numero

Holiday Pay sa Disyembre 2026: Rate sa Pasko, Rizal Day at Bagong Taon
Limang national holiday ang Disyembre 2026, at may ikaanim sa Enero 1, 2027. Regular holiday ang Disyembre 25 at 30 at Enero 1: 200% ng arawang sahod sa unang 8 oras kapag pumasok, at 100% kahit hindi pumasok. Special non-working day ang Disyembre 8, 24 at 31: 130% kapag pumasok, at “no work, no pay” kung hindi, maliban kung may company policy o CBA.

Mga holiday mula Disyembre 2026 hanggang Enero 1, 2027

Mga holiday sa katapusan ng taon at bayad sa unang 8 oras (Proclamation No. 1006 at No. 1427)
PetsaHolidayUriHindi pumasokPumasok
Disyembre 8, 2026 (Martes)Feast of the Immaculate ConceptionSpecial non-working dayNo work, no pay130%
Disyembre 24, 2026 (Huwebes)Christmas EveSpecial non-working dayNo work, no pay130%
Disyembre 25, 2026 (Biyernes)Christmas DayRegular holiday100%200%
Disyembre 30, 2026 (Miyerkules)Rizal DayRegular holiday100%200%
Disyembre 31, 2026 (Huwebes)Last day of the yearSpecial non-working dayNo work, no pay130%
Enero 1, 2027 (Biyernes)New Year's DayRegular holiday100%200%

Special non-working day ang Disyembre 24 dahil idinagdag ito ng Proclamation No. 1006 para sa 2026; sa ibang taon, puwede itong ordinaryong araw ng trabaho.

Rate kapag rest day din o may overtime

Bayad bilang porsyento ng arawang rate (unang 8 oras) at ng hourly rate (kada oras ng OT)
Araw na pinasukanUnang 8 orasKada oras ng OT
Dis 8, 24 o 31 (special day)130%169%
Special day na rest day din ng empleyado150%195%
Dis 25, Dis 30 o Ene 1 (regular holiday)200%260%
Regular holiday na rest day din ng empleyado260%338%

Ang trabaho mula 10 p.m. hanggang 6 a.m. ay may dagdag na night shift differential na 10% ng hourly rate sa oras na iyon.

Mga halimbawa sa arawang rate na ₱755.00

  • Disyembre 24, 8 oras: ₱755.00 × 130% = ₱981.50. Kung rest day ng empleyado ang Huwebes, 150% ang rate: ₱1,132.50.
  • Disyembre 25, 10 oras: unang 8 oras ₱1,510.00 + 2 oras ng overtime ₱490.75 = ₱2,000.75.
  • Disyembre 25 na rest day, 8 oras: 260% = ₱1,963.00.
  • Disyembre 25 o Enero 1, hindi pumasok: ₱755.00, basta kuwalipikado ang empleyado (tingnan ang susunod na bahagi).
  • Disyembre 31, hindi pumasok: walang dagdag na bayad maliban kung may company policy para sa special days.

Sa mga buwanan ang sahod: sakop na ng buwanang sahod ang regular holiday na hindi pinasukan, kaya ang idaragdag lang ay ang premium na lampas sa 100% para sa oras na talagang pinasukan.

Sino ang bayad kahit hindi pumasok sa Pasko o Bagong Taon

May bayad ang regular holiday na hindi pinasukan kung pumasok, o naka-paid leave, ang empleyado sa araw ng trabaho bago nito. Medyo nakakalito ang Disyembre dahil special day ang nauuna sa mga regular holiday:

  • Disyembre 25: special non-working day ang Disyembre 24. Kung sarado ang negosyo noon, tingnan ang huling araw ng trabaho bago nito (Disyembre 23 sa karamihan).
  • Enero 1, 2027: special day din ang Disyembre 31. Kuwalipikado ang empleyado kung pumasok siya sa huling araw ng trabaho bago ang non-working day.
  • Disyembre 30: ordinaryong Martes ang Disyembre 29 sa karamihan ng negosyo, kaya ang karaniwang patakaran ang susundin.

Sa parehong linggo rin ang 13th month pay

Ayon sa DOLE Labor Advisory No. 21, Series of 2026, dapat maibigay ang 13th month pay sa o bago ang Disyembre 24, 2026, at walang exemption o deferment. Special non-working day mismo ang Disyembre 24 ngayong taon, kaya mas mabuting ipadala ito sa mas maagang banking day. Kuwentahin ang halaga ng bawat empleyado sa 13th month pay calculator o basahin ang paano kuwentahin ang 13th month pay.

Exempted ba ang maliliit na tindahan?

Exempted sa regular holiday pay ang retail at service establishment na regular na may mas mababa sa sampung manggagawa, ayon sa implementing rules ng Labor Code. Pero may premium pa rin ang trabaho sa special day at rest day. Nasa holiday pay rules sa Pilipinas ang buong patakaran at listahan ng 2026–2027.

Easy Cutoff Platform May bayad · 30 araw na libreng trial

Holiday, overtime at 13th month, kuwentado para sa lahat

Markahan ang araw nang isang beses at tama ang premium sa bawat payslip; ang 13th month ay mula sa talagang kinita ng bawat isa.

Mga madalas itanong

Holiday ba ang Disyembre 24, 2026?
Oo. Idineklara ng Proclamation No. 1006 ang Christmas Eve, Huwebes, Disyembre 24, 2026, bilang dagdag na special non-working day: 130% kung pumasok, no work, no pay kung hindi.
Magkano ang holiday pay sa Pasko?
200% ng arawang sahod sa unang 8 oras, 260% kung rest day ng empleyado, at 100% kung hindi pumasok pero kuwalipikado.
May bayad ba ang Disyembre 31 kahit hindi pumasok?
Wala sa batas. Special non-working day ito, kaya no work, no pay maliban kung may company policy, nakagawian o CBA na nagbibigay ng bayad.
Anong araw ang Bagong Taon 2027?
Biyernes, Enero 1, 2027, regular holiday ayon sa Proclamation No. 1427.

Mga source at legal na batayan

Sinuri ang mga numero laban sa opisyal na source noong Nobyembre 23, 2026. Lahat ng source · Talaan ng mga pagwawasto