Libreng payroll calculators para sa website mo
Ilagay ang Easy Cutoff calculator sa blog, HR page o website ng accounting firm mo. Kopyahin ang code, i-paste sa HTML block, at makukuha ng mga mambabasa mo ang 2026 numbers ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at BIR nang hindi umaalis sa page mo.
Libre, walang sign-up at walang ads sa loob ng calculator. Kusang nag-a-update ang rates kapag may nagbagong patakaran, kaya hindi naluluma ang widget.
Paano maglagay
- Kopyahin ang code ng calculator na gusto mo (may kasamang link sa buong calculator; pakiwan ito).
- Sa WordPress, Blogger, Wix o Squarespace, magdagdag ng Custom HTML / Embed block at i-paste ang code.
- I-publish. Kusang nag-a-adjust ang taas; sa mga site na nag-aalis ng script, fixed ang taas pero gumagana pa rin.
Nasa English ang site mo? Nasa English din ang mga calculator: English widgets
Patakaran: libre para sa anumang website. Panatilihin ang link sa ilalim ng calculator. Huwag baguhin ang mga numero o ipakita itong sarili mong payo. Pagtatantya lang ang mga calculator; desisyon pa rin ng employer ang payroll.
Privacy: tumatakbo ang calculator sa browser ng mambabasa. Walang cookies o analytics sa loob ng widget, at walang ipinapadala sa amin na itina-type.